I am a fan of nice and trendy clothes pero hindi ako mahilig gumastos. I always wait for "The Sale". Minsan, kahit na gustung-gusto ko na ang isang bagay, I'll still wait for it to be on sale. Mahilig din ako sa tiyangge. Hindi ako brand conscious. Basta bagay sa'kin, GO! Lagi kong motto: Nasa pagdadala lang yan! Mamahalin nga kung di mo naman bagay or di mo naman alam dalhin, wala din. Pero pag kering-keri mo, magmumukha na ring mahal. It's all in your projection and confidence, dear. ;)
Pero pag may nakita talaga akong great bargain at bagay na bagay ko, kahit na di ko naman balak mag-shopping bibilihin ko na. Sayang eh. It's like serendipity. I'll justify it by saying, "it found me...it's destiny!" Hahaha! Kahit na di naman ako naniniwala sa destiny. Hehe...
Like today, I saw this pretty little white dress at Ensembles. Sobrang marked down price. From Php1,795, Php299.00 na lang! Eh favorite ko pa naman na one-shoulder style. So, bought it kagad kahit na one size bigger siya sa'kin. Wala nang small, medium na lang natira. Keri na! Pa-repair ko na lang. Here's the dress:
Anyway, I want to share a few shopping lessons sa paghahanap ng mga mura pero maganda:
1. Huwag matakot pumasok sa mga mamahaling boutique lalo na kapag may mga nakapaskil na sale. Magtiyaga-tiyaga lang at chances are may makikita kang swak sa budget mo.
2. Huwag mahiya sa mga salesladies. Aminin mo na gusto mo lang yung naka-sale. Bakit ka mahihiya? Eh most probably, hindi rin nila afford yung price ng mga tinda nila. Kaya okay lang yun. Matutulungan ka pa nilang maghanap ng swak sa budget mo.
3. Okay lang magsukat nang magsukat at huwag mapilitang bilihin ang hindi mo naman gusto. Kahit na nagtitipid ka, you're still a customer and you should not settle for something you don't like.
Yun lang!
No comments:
Post a Comment